Nagngangalit na damdamin sa akin ay umaamin
Sa pagsama sa maling lihim na ngayo’y lumalalim
Kamaliang hindi batid nagdulot ng pighati
Pati sakit na dinanas mula sa lihim dinanas
Hangad noo’y trabaho lamang ngunit anong ipinamalas
Ngalan at pagkatao’y nagamit ng inakalang isang alas
Daming pangako ng pagunlad sa akin ay ilinahad
Bandang huli’y lahat pala ay matutturing na huwad
Ginamit ang pagkakaibigan sa gawaing panglalamang
Daming kawawang nilalang nagulantang sa paglinlang
Hanggang saan mo gagamitin ang iyong kaalaman
Buti sana kung kabutihan ngunit sa kasakiman
Kung lahi mo’y pinagpala, ikaw na nga ang syang the one
Ngunit kaming orninaryo lamang, wag mo namang lalamangan
Lahat ng bagay may hangganan, iyan iyong tatandaan
Hindi lahat ng oras di malalaman mga lihim mong ginampanan
SAGADNID!GANID ISA KANG GANID!SAGADNID!HANGGANG BUTO ANG PAGKAGANID!
PAMILYA MO SAGAD BUTO PAGKAGANID!

Ngunit ingat ingat din lamang, baka ika’y magulantang
Nalalabi nyong buhay baka kulungan ang hantungan!

Lahat pamilya mong gahaman baka libingan hantungan!